CAUAYAN CITY- Puspusan ang paghahanda ng Schools Division Office (SDO-Isabela) para muling masungkit ang gintong medalya sa Cagayan Valley Regional Athletic Association meet 2025 na gaganapin sa Lunsod ng Santiago.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manolo Bagunu ang Sports Coordinator- SDO Isabela, sinabi niya na mula March 26 ay nagsimula na ang Division in-house training para sa athletics at swimming event maliban pa sa mga school base training.
Hindi naman maiwasan na magtamo ng minor injuries ang ilang atleta dahil sa rigid training subalit agad namang natugunan at siguradong makakapag laro pa sa CAVRAA.
Samantala, dalawa naman sa mga atleta ang pinauwi na at pinalitan na lamang dahil sa kinailangan pa nilang magpahinga ng ilang araw dahil sa injury at malabong makahabol pa sa kani-kanilang laro.
Para mas mapagtuunan pa ng pansin ang pagsasanay ng mga atleta ay hiniling nila sa Provincial Government of Isabela na pansamantalang isara ang Isabela Sports Complex at gagawing exclusive muna para sa mga atleata na sasabak sa CAVRAA.
Samantala, sa ngayon ay may mga interventions na ang SDO-Isabela para maiwasan na maapektuhan ng mainit na panahon ang mga atletang sasabak sa sporting events.