--Ads--

Maglulunsad ang Schools Division Office ng Santiago City ng “Project Aral” program na layong matiyak na lahat ng mag-aaral ay natututo at nakaiintindi sa kanilang aralin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schoold Division Superintendent ng SDO Santiago City, sinabi niya na sa pamamagitan ng naturang recovery program ay sumasailalim sa tutorial ang mga mag-aaral na nahuhuli sa klase upang masiguro na sila ay matuto at makasabay.

Sakop nito ang mga asignaturang Science, Reading at Mathematics.

Mayroon namang assigned modules para sa mga ito na siyang susundan ng mga tutors na makatutulong sa mga mag-aaral na mapataas ang kanilang academic achievements.

--Ads--

Ang Project Aral ay maaaring isagawa within school days – pagkatapos ng klase o tuwing vacant hours. Pwede rin naman itong gawin tuwing weekends basta’t mayroong pahintulot sa mga magulang.