--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging emosyonal ang SEA Games Silver Medalist na si Marco Bilog nang makuha ang gintong medalya sa 800 meter run sa 2018 Phil. Athletic Championship .

Kapansin-pansin nang makaapak sa finish line si Bilog ay napaiyak at iwinagayway ang kanyang panyo na may imahe ng Poong Nazareno saka inilatag at nagdasal .

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, Sinabi ni Bilog na nakagawian na niyang gawin ito tuwing may paligsahan siyang sinasalihan dahil isa siya ay deboto ng Poong Nazareno .

Palagi anyang nakabulsa sa kanya ang panyong may mukha ng Poong Nazareno dahil nagsisilbing gabay sa kanya tuwing nakikipag-paligsahan.

--Ads--

Nagpapasalamat pa rin si Marco Bilog bagamat hindi niya nakamit ang puntiryang oras para mabreak ang sariling record sa sea games na 1 minute and 49 second ay nanguna pa rin siya ngayon sa bilis na 1 minute and 51 seconds.

Ang atleta ay tatlong taon ng naglalaro para sa event na 800 meter run ngunit mas mahirap ang kanyang pagsasanay matapos matuklasan na may sakit siya sa bato.

Sa naging exklusibo pang panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni SEA games Silver MedalistMarco Bilog na hindi hadlang ang kanyang sakit upang magsanay para sa pagsali sa mga kahalintulad na paligsahan.