--Ads--

Nagsimula na muli ang Search for Outstanding Cauayeño na bahagi ng Gawa-Gawayyan Festival.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Garry Galutera, sinabi niya na nakapagdistribute na sila ng imbitasyon sa mga nagnanais magnominee at maging sa mga nais ang self-nomination.

Magtatagal naman ang nominasyon hanggang sa ika-14 ng Marso at isasagawa naman ang awards night sa mismong araw ng Cityhood Anniversary sa ika-30 ng Marso.

Highlight aniya ito ng selebrasyon at opening ng Gawa-Gawayyan Festival ngayong 2025.

--Ads--

Ang mga kategorya sa nasabing parangal ay ang mga sumusunod:

Most outstanding sa field of Agriculture, Education, Family, Entreprenuer o Business, Law Enforcement, Health Frontliner, Public Service, Science and Technology, Media, Culture and Arts at Natatanging Kabataan-Proud Cauayeño.

Aniya ito ay base sa taun-taon na isinasagawang pagbibigay parangal sa mga Outstanding Isabelino kung saan noong nakaraang taon ay nakuha ng anim na Cauayeño ang anim na kategorya.

Nag-iikot aniya sila para maghanap ng maaring ipasok sa nasabing mga kategorya at nagsisilbing gabay naman ang mga criteria tulad ng mga malaking naiambag ng isang personalidad sa paglago ng lungsod ng Cauayan sa ibat-ibang larangan.