--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala silang kinalaman sa mga tarpaulin na naghahayag ng suporta kay Davao City Mayor Sara Duterte kapag may payout sa TUPAD program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na ang pagpapatupad nila ng DOLE TUPAD,DOLE CAMP at DOLE AKAP ay walang kinalaman sa pulitika kundi amelioration program ito para sa mga mamamayang labis na naapektuhan ng pandemya.

Walang kinalaman aniya sa DOLE TUPAD si Mayor Sara ngunit ang mga gobernador at mayor ang nagpapakita ng suporta sa kanya.

Ayon kay Secretary Bello, hindi nila puwedeng diktahan ang mga mayor at gobernador at sabihin sa kanila na tanggalin ang idinikit na sticker, poster o tarpaulin sa venue ng payout ng DOLE TUPAD.

--Ads--

Nasa mayor at gobenador na aniya kung makiramdam sila sa mga pagpuna ng mga mamamayan at huwag idamay sa pulitika ang kanilang programa.

Ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello