Ibinahagi ng SEC Ilagan ang kanilang mga pangunahing serbisyo para sa mga korporasyon, kabilang ang corporate registration, supervision ng capital market, at pagsasanay sa capital market professionals.
Ayon kay Ramon King Ballesteros, SEC Security Specialist II, bahagi rin ng kanilang mandato ang paghabol sa mga sangkot sa investment scam at pagsasagawa ng financial literacy programs upang maiwasan ang panloloko.
Tinututukan na rin ng SEC ang digitalization, kung saan karamihan sa transaksyon ay online na sa kanilang website. Sa pamamagitan ng Electronic Simplified Processing, maaaring magparehistro ng korporasyon nang hindi na pumunta sa opisina. Kailangan lamang ng valid TIN.
May mga serbisyong gaya ng E-Secure para sa one-day registration, at may discounts para sa MSMEs at capital stock increase batay sa bagong MOA.
Sa kabila ng digital setup, bukas pa rin ang kanilang opisina sa Brgy. Alibagu, Ilagan City para sa walk-in assistance.
Tungkol naman sa isyu ng flood control projects, nilinaw ng SEC na sila ay regulator lamang ng mga partnership corporations at maaaring maglabas ng records kung hihilingin ng mga awtoridad.






