CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong Qualified Theft ang sekretarya ng isang trading company sa Cauayan City matapos hindi ibinayad ang Social Security System at Philhealth Contributions ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag no P/Sr. Insp. Essem Galiza, information officer ng Cauayan City Police station na ipinasakamay sa kanilang himpilan ni Estephanie Angeline Que, 22 anyos at manager ng isang trading company sa Dist. I, Cauayan City ang kanyang sekretarya.
Ito ay matapos matuklasan ni Que na hindi nabayaran ang SSS at Philhealth premiums ng kanyang mga empleyado simula noong Oktubre 2017 hanggang Marso 2018 na umaabot sa mahigit P/145,000.00.
Bukod dito, gumagawa rin ng sariling resibo si Villegas sa transaksiyon niya sa gravel and sand delivery na umaabot sa P/100,000.00.
Idinagdag pa ni P/Sr.Insp. Galiza na inamin ng suspek sa kanyang amo ang kanyang ginawang kasalanan.




