--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong attempted murder ang isang corporate security guard na itinuturong naghagis ng granada sa sasakyan ng  isang board of director ng Ficobank habang binabagtas ang daan sa San Andres, Cabatuan, Isabela.

Ang suspek na ginagamot sa isang ospital ay  si  Rolando Sinang, 46 anyos at residente ng Roxas, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt  Gil Pagulayan, hepe ng Cabatuan Police station, sinabi niya na bilang corporate security guard ay  palaging nakakasama ni Sinang ang board of director na si Ginoong Erwin Tabucol.

Nang ihagis ni Sinang ang granada sa windshield ng sasakyan ni Ginoong Tabucol ay bumalandra ito at nahulog.

--Ads--

Nang sumabog sa daan  ang granada ay tinamaan siya ng shrapnel sa kaliwang dibdib.

Dahil sa pangyayari ay agad na inalerto ng mga miyembro ng Cabatuan  Police Station ang mga kalapit na himpilan ng pulisya na maaaring madaanan ng suspek hanggang maharang siya ng mga kasapi ng San Mateo Police Station.

Nasa Intensive Care Unit (ICU) ng isang pribadong ospital si Sinang matapos na isailalim sa operasyon dahil sa natamong matinding sugat dulot ng shrapnel mula sa sumabog na granada.

Nabatid na unang pinagtangkaan ang buhay ni Ginoong Tabucol noong Enero 2018 sa  Luzon, Cabatuan, Isabela.

Isa sa mga anggulong iniimbestigahan sa muling tangkang pagpatay kay Tabucol ang  may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang board of director ng nasabing bangko.

Ang pahayag ni PCpt Gil Pagulayan