--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang magsasaka matapos siyang tagain sa tenga ng kaniyang pamangkin sa   Barangay Dammang East .

Ang biktima ay si Anastacio Bulan, 49-anyos habang ang suspek ay si Jerwin Aspa, 23-anyos, isang security guard at parehong residente sa nabanggit na barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Echague Police Station, pasado alas 3:00 ng hapon ng maganap ang insidente.

Una rito, nag-inuman muna ang magtiyuhin kung saan napag-usapan ng dalawa ang patungkol sa mana hanggang sa sila’y humantong sa pagtatalo.

--Ads--

Dahil dito ay kinuha ng suspek ang itak at saka inundayan ng taga ang biktima na tinamaan sa bahaging tenga.

Matapos ang insidente ay sumuko sa mga rumespondeng Barangay Officials ang suspek kasama ang ginamit nitong itak habang dinala naman sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang biktima na nasa maayos ng kalagayan.

Ayon kay PSMSgt. Elizier Gaoiran away sa lupa ang naging mitsa ng away ng mag tiyuhin na nauwi sa pananaga ng kaniyang pamangkin.

Sa ngayon pansamantalang nakalaya ang suspek at desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek.