--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakalatag na ang mga security plans para sa pagbabantay ng mga pulis sa Cauayan City sa panahon ng Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station sinabi niya na inaasahan na bukas pa dadagsa ang mga pasahero at bakasyunista mula sa iba’t ibang lugar upang gunitain ang mahal na araw sa lalawigan.

magtatalaga sila ng Police Assistance Desk sa ilang lugar kabilang na sa mga terminal.

Magkakaroon din ng police visibility at motorist assistance center sa mga ilog at mga lansangan upang mabantayan ang mga tao lalo na sa sabado de gloria.

--Ads--

Sinabi ni Supt. Paragas na kanselado ang bakasyon ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ngayong semana santa.

Hihilingin nila ang tulong ng mga opisyal ng barangay na magsisilbing augmentation force lalo na sa mga liblib na barangay ng lungsod.

Handa rin sila sa pagbibigay ng seguridad sa mga aktibidad sa nalalapit na pagdiriwang ng 2018 GawaGawayyan Festival.