--Ads--

CAUAYAN CITY – Hihigpitan ang seguridad sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) para hindi na maulit ang ilang insidente ng pagnanakaw ng sanggol tulad ng nangyaring pagtangay ng isang dating Overseas Filipino Worker (Ofw) sa isang 5 days old na baby na nabawi sa Tagudin, Ilocos Sur.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Dr. Jose Ildefonso Costales, medical center chief, sinabi niya na nakipagpulong na sila sa security agency para mapag-ibayo ang pagpapatupad ng security measures, peace, safety at security protocol sa ospital.

Naglatag aniya ng corrective measures ang security agency para hindi na maulit ang mga naganap na pagtangay sa ilang bagong silang na sanggol.

Ayon pa kay Dr. Costales, nagsilbing aral sa kanila ang mga insidente ng pagtangay ng sanggol sa kanilang pagamutan para mapagtuunan ng pansin ang seguridad ng mga pasyente.

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Costales na inilipat na sa mga strategic location ang lahat ng mga CCTV camera sa loob at labas ng SIMC bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.

Ang tinig ni Dr. Jose Ildefonso Costales, chief of hospital ng SIMC