--Ads--

Binaril ang self-confessed drug lord na si Rolan “Kerwin” Espinosa habang nagtatalumpati sa kaniyang pangangampanya sa Brgy. Tinag-an sa Albuera, Leyte.

Si Espinosa ay kumakandidato bilang Albuera mayor.

Batay sa impormasyong nakalap, nagtitipon ang buong slate ni Espinosa sa isang covered court kasama ang mga residente ng barangay nang biglang mangyari ang insidente.

Agad na isinugod sa ospital si Espinosa, pati na rin ang isang menor de edad na nadamay sa insidente.

--Ads--

Nasa crime scene na ang Albuera PNP at kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at hot pursuit operation laban sa mga salarin.

Matatandaang si Espinosa ay dating binansagan na self-confessed drug lord, na humarap sa mga kasong may kaugnay sa iligal na droga sa panahon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit karamihan sa kanyang kaso ay na-dismiss.