CAUAYAN CITY – Naging agaw pansin ang kakaibang Sementeryo na matatagpuan sa Nambaran Cemetery sa Ileb, Nambaran, Tabuk City.
Dahil sa kakaibang hugis ng mga nitso ng mga yumao ay tiyak na dadagsain ng mga tao ang naturang pook libingan.
Tiniyak naman ng Tabuk City Police Station ang pagiging alerto ilang araw bago ang paggunita ng araw ng mga patay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nagsisilbing bagong atraksyon sa mga local Tourist ang naturang sementeryo.
Kabilang sa mga makikitang disenyo sa lugar ay ang mga kakaibang nitso na hugis eroplano, sapatos, kabayo, ibon, Leon, cake, truck, gitara, basket at maging ang disenyo ng simbahan.
Karaniwan umanong mga residenteng nakahimlay sa Lugar ay mga mamamayan na kabilang sa tribung Tulgao na isa sa mga tribong nakatira sa lalawigan na noon ay kinakatakutan dahil sa pagiging head hunters sa Kalinga.
Upang mapawi ang takot ng mga dumaraan ay naisipan nilang gumawa ng kakaibang disenyo ng himlayan.
Ang napiling disenyo na nitso ng yumao ay ibabatay sa kanilang naging buhay na inaasahang magsisilbing magandang alaala sa kanilang mga naiwang kaanak.