--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng seminar on bomb threat response and awareness ang Cauayan City Police Station sa isang malaking sa lunsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Benigno Asuncion, Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station na layunin ng naturang Seminar na mabigyan ng kaalaman ang mga nagtratrabaho sa nasabing mall kaugnay sa mga dapat gawin kung makakatanggap ng bomb treat.

Anya kabilang sa mga dapat tandaan kapag nakakatanggap ng bomb treat mula sa mga tumatawag na manatiling kalmado at sikaping kumuha ng mga impormasyon at obserbahan sa kinaroroonan ng mga tumatawag.

Layunin anya nito na mailigtas ang mga tao at ari-arian kung saan dapat inuuna ang tao na ilikas bago ang pagpasok ang Explosive and Ordnance Disposal o mga pulis para sa search and bomb disposal.

--Ads--

Dapat anya’y nasa 300 metro mula sa lugar na sinasabing kinaroroonan ng bomba at nasa ligtas na lugar ang mga ililikas na mga kawani at ang mga mamamayan.

Anya bagamat malayo Cauayan City sa Isulan, Sultan Kudarat na pinangyarihan ng pagsabog ay mahalaga pa ring malaman ng mga tao ang mga dapat gawin sakaling may matanggap silang banta ng pagsabog ng Bomba.

Kabilang sa mga lumahok sa Seminar ang mga empleyado, tenant at security officers ng SM City Mall.