--Ads--

CAUAYAN CITY- Humigit kumulang 30 participants ng Small Enterprise Development Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pamahalaang lokal ng San Mateo ang dumadaan ngayon sa seminar.

Ito ay makaraang natapos na ang kanilang skills training at ngayon ay binibigyan sila ng lectures kung papaano umpisahan at palaguin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng kaalaman na ibinibigay sa kanila.

Karamihan sa kanila ang nagtapos ng manicure pedicure at tailoring para sa mga kababaihan.

Habang sa mga kalalakihan naman ay nagsanay sila kung papaano ang pagkumpuni ng mga nasirang kagamitan tulad ng mga refrigerator at aircondition.

--Ads--

May mga out of school youth at ang mga senior citizens na dumadalo sa skills training na layuning mai-angat ang kanilang pamumuhay.

Ang mga nauna nang nagtapos sa skills training ay nagsimula na sa kanilang pagkakitaan.