--Ads--

Inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla, pinaniniwalaang kasalukuyang nasa Davao si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ay kasunod ng kawalan ng pagpapakita ng senador sa publiko at hindi pagdalo sa mga sesyon at pagdinig sa Senado, kaugnay ng mga ulat na mayroon umano siyang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Gayunpaman, binigyang-diin ni Sec. Remulla na hindi pa makapagpatupad ng anumang aksiyon ang DILG dahil wala pa itong natatanggap na pormal na kopya ng umano’y arrest order mula sa international tribunal.

Dagdag pa ng kalihim, hindi rin umuwi si Dela Rosa sa kanyang bahay sa Cavite kung saan magkalapit lang sila ng kapitbahay, kaya posibleng naroroon siya sa Davao kasama ang kanyang pamilya.

--Ads--

Bago ito, nilinaw naman ng abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon na walang legal na basehan ang gobyerno para isuko ang sinumang mamamayan nito sa ICC, dahil sa kawalan ng mga alituntunin para maisakatuparan ang proseso, lalo na’t tumiwalag na ang bansa sa Rome Statute noong administrasyong Duterte.