--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala si Senador Cynthia Villar na may nais sumira sa senate majority makaraang kumalat sa social media ang hindi nila umano paglagda sa isang resolutuion na komokondena sa nagaganap na extra judicial killings sa bansa

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Senador Villar na sinadyang hindi pinalagda ang pitung senador na kabilang sa senate majority ang Senate Resolution No, 516 para masiyasat ang mga drug related killings lalo na ang kaso ng pagpatay sa mga kabataan.

Wala umanong pinalagda sa mga senador na kabilang sa Majority na resolution at matapos anyang hindi sila pinapirma ay ipinakalat pa ito sa social media.

Sinabi pa ni Villar sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nagpasya na ang kanyang mga kasamayan sa senate majority na sina Senate President Koko Pimentel, Majority Leader Tito Sotto, Senators Dick Gordon, Migz Zubiri, Gringo Honasan at Manny Pacquiao na gumawa ng bukod ng Senate Resolution Number 516.

--Ads--