--Ads--

Uminit ang ulo ni Senator Joel Villanueva matapos mapag-alaman na walang feasibility study ang ilan sa mga flood control projects ng bansa.

Sa naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Martes, tinanong ni Villanueva si Department of Public Works and Highways (DPWH) Manuel Bonoan kung paano ginagamit ng kagawaran ang feasibility study sa kanilang mga proyekto.

Dito na sinabi ni Bonoan na karamihan sa mga proyekto sa nakalipas na mga taon ay walang fesibility study dahil ito ay iniimplementa lamang sa mga major projects tulad na lamang sa mga major river basins.

Ang mga maliliit na proyekto na mayroong pondo na 50-100 million pesos ay ginagamitan na lamang aniya ng project impact analysis.

--Ads--

Ayon kay Villanueva, ang kawalan ng pag-aaral sa mga proyektong pinpondohan ng malaking halaga ay “frustrating” at depressing”.

Aniya, bilyun-bilyon ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kada taon subalit hindi man lang pala napag-aaralan ng maigi ang mga ginagawa nilang proyekto.