--Ads--
Iminungkahi ni Senate President Tito Sotto ang isang pagpupulong sa pagitan ng Senado at House of Representatives upang pag-usapan ang susunod na hakbang matapos ang desisyon ng Korte Suprema, na ayon sa kanya, ay nagbago ng mga patakaran sa impeachment.
Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na susuportahan na niya ngayon ang mga hakbang para sa amendment ng Konstitusyon, hindi lamang upang linawin ang probisyon sa impeachment kundi pati na rin para isaalang-alang ang posibleng pagbabago sa mga probisyong pang-ekonomiya.
Noong Huwebes, pinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon na idineklara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte bilang unconstitutional dahil sa paglabag sa one-year bar rule.











