--Ads--

Kinumpirma ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo “Ping” Lacson na kasalukuyang nire-review ang draft committee report kaugnay ng umano’y flood control scam.

Ayon kay Lacson, binago ang naunang rekomendasyon na kasuhan ang ilang senador at sa halip ay imungkahi muna ang mas malalim na imbestigasyon, dahil wala umanong awtoridad ang Senado na magrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa Korte Suprema.

Sa bagong draft, inirerekomenda ang pag-imbestiga kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Chiz Escudero, at Sen. Joel Villanueva kaugnay ng posibleng paglabag sa plunder, bribery, graft, malversation, at iba pang kaugnay na kaso.