--Ads--

Tiniyak ni Representative Terry Ridon na magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado kaugnay ng mga umano’y maanomalyang proyekto tulad ng mga water districts, distribusyon ng kuryente, at mga flood control projects.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni Ridon ang ilang positibong punto sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagamat kulang umano sa ilang aspeto. Isa sa mga binigyang-diin ng Pangulo ay ang pagsusuri sa anomalya sa pagitan ng water concessionaires at mga joint ventures.

Ayon kay Ridon, inihayag din ng Pangulo ang suliranin sa suplay ng kuryente sa Siquijor at ang mga palpak na proyekto sa flood control. Dahil dito, nakatakdang silipin ng Kongreso kung paano ipinatupad ang mga nasabing proyekto at kung ano ang naging papel ng mga kinauukulang ahensya.

Bukod sa mga nabanggit, isusulong rin umano ng mambabatas ang pagsusuri sa mga proyektong may kinalaman sa pagpapababa ng presyo ng pagkain hindi lang bigas at pagtutok sa kapakanan ng mga magsasaka.

--Ads--

Dapat aniyang matiyak ang balanseng suporta sa sektor ng agrikultura at mabawasan ang labis na importasyon.