Napanatili ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang kaniyang posisyon bilang Senate President sa ilalim ng 20th Congress.
Matatandaan na ngayong araw ay sinimulan ang sesyon ng Senado sa ilalim ng 20th Congress kung saan nagkaroon ng botothan sa Senate Precidency.
Ang posisyon ay mahigpit na pinaglabanan nina Senator Francis “chiz” Escudero at Senator Tito Sotto II kung saan si Escudero ang muling naluklok sa pwesto.
samanatala, muling umupo sa Senado si dating Senate President Vicente Sotto III matapos manalo sa halalan noong Mayo. Ipinuwesto siya bilang Senate Minority Leader na nakakuha ng limang boto.
Pamumunuan niya ang minoryang grupo na kinabibilangan nina Senators Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, at Risa Hontiveros.
Si Senator Jingoy Estrada parin ang Senate President Pro Tempore, Senator Joel Villanueva ang Majority Leader habang si Rep. Martin Romualdez parin ang House Speaker.
Sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso, isinagawa rin ang panunumpa ng mga bagong halal na senador.
Inaprubahan ang mga makasaysayang resolusyon bilang paghahanda sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City
Samantala, naunang naglabas na ng utos sa Senado na walang red carpet walk para sa mga senador.
Sa tuwing magbubukas kasi ang bagong Kongreso ay nakasanayan na ang red carpet walk ng mga senador kasama ang kanilang asawa o pamilya.
Dahil sa mga naranasang pagbaha dulot ng bagyo at habagat at maraming naghihirap ngayon ay ginawang simple ng Mataas na Kapulungan ang pagbubukas ng sesyon.











