--Ads--

Nanindigan ang Senate Committee on Finance na tuluyang aalisin ang unprogrammed funds sa ilalim ng 2026 national budget.

Ito ay kahit pa inaprubahan ng Kamara ang ₱6.793 trillion 2026 General Appropriations Bill (GAB) kung saan mayroon itong unprogrammed funds na aabot sa halos ₱250 billion.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, base sa usapan nilang mga senador ay aalisin na sa budget ang unprogrammed funds maliban sa mga foreign assisted projects na may foreign loans na tiyak na pagkukunan.

Sinabi ni Gatchalian na tiyak naman na kayang saluhin ng programmed appropriations ang mga proyekto o programang nasa unprogrammed funds.

--Ads--

Samantala, kung ang senador naman ang tatanungin, ime-maintain lamang nila ang proposed ₱902.895 million na budget ng Office of the Vice President (OVP).

Paliwanag ni Gatchalian, 1.5% lang ang itinaas ng budget ng OVP kaya ano pang ibabawas nila rito.

Sa ipinasang bersyon ng Kamara ay ibinaba pa ang pondo ng OVP sa P733 million para sa susunod na taon.