--Ads--

Inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangamba dahil hanggang ngayon ay wala pa ring iisa at koordinadong national contingency plan ang pamahalaan para sa suplay ng langis, mahigit tatlong linggo mula nang magsimula ang sigalot sa Middle East.

Ayon sa senador, lumitaw ito sa isinagawang organizational meeting ng Senate PROTECT Committee, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na plano bilang batayan ng pondo at mga hakbang ng gobyerno sa gitna ng krisis.

Sinabi niyang ang pagdedeklara ng state of national energy emergency ay nagpapakita ng posibilidad na lumala pa ang sitwasyon, kaya kinakailangan ang agarang paghahanda ng konkretong contingency measures.

Hinimok niya ang pamahalaan na bumuo ng komprehensibong plano na maglalatag ng malinaw na aksyon para sa iba’t ibang posibleng senaryo, kabilang ang pinakamatinding sitwasyon kung saan maaaring mawalan ng suplay ng langis ang bansa. Binigyang-diin din niya ang pangangailangang pag-isahin ang mga kasalukuyang framework ng Senado at Ehekutibo tungo sa iisang estratehiya.

--Ads--

Dagdag pa niya, ang naturang plano ang magsisilbing gabay kung kakailanganin ang supplemental budget o karagdagang hakbang ng pamahalaan upang epektibong matugunan ang krisis.

Bagama’t may mga ginagawa na ang gobyerno, sinabi ni Gatchalian na mabagal pa ang implementasyon, lalo na sa pamamahagi ng ayuda sa sektor ng transportasyon. Aniya, nasa daan-libong benepisyaryo pa lamang ang nabibigyan ng tulong kumpara sa halos isang milyong manggagawa sa sektor, at karamihan ay nasa Metro Manila pa lamang.

Binigyang-diin din ng senador na patuloy na nahihirapan ang mga driver dahil sa tumataas na presyo ng krudo habang hindi naman tumataas ang pasahe, dahilan upang lumiit ang kanilang kita.

Sa huli, iginiit niya ang kahalagahan ng matibay na ugnayang diplomatiko sa ibang bansa upang matiyak ang sapat at matatag na suplay ng enerhiya sa abot-kayang presyo.

Ipinahayag ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangamba dahil hanggang ngayon ay wala pa ring iisang at koordinadong national contingency plan ang pamahalaan para sa suplay ng langis, mahigit tatlong linggo mula nang magsimula ang sigalot sa Middle East.