--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa nakikilala ang pinaghihinalaang bumaril-patay sa isang senior citizen na ginang sa barangay Calamagui 2nd , Ilagan City.

Ang biktima ay si Ginang Zenaida Duco Cristino, 61 anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Ilagan City Police Station ang biktima ay kasalukuyang nagbibilang ng pera sa loob ng kanyang sari-sari store nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek.

Binaril ng suspek ng isang beses ang biktima nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

--Ads--

Nakuha ang mga pulis ang isang basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen at patuloy ang kanilang pagsisiyasat upang matukoy at madakip ang suspek.