--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang wala ng buhay ang isang senior citizen matapos mag-suicide sa Angadanan, Isabela.

Ang nagpakamatay ay si Cristino Colobong, 64 anyos, may-asawa, helper at residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Ardee Tion, ang hepe ng Angadanan Police Station, natagpuan ang katawan ni Colobong sa likod ng bahay na kanyang pansamantalang tinutuluyan.

Bago naganap ang pangyayari ay una nang nagpahiwatig si Colobong na magpapakamatay dahil sa kahirapan ng buhay at problema sa pamilya.

--Ads--

Batay naman sa pahayag ng pamilya ng biktima, wala naman umanong silang nakikitang foul play sa nasabing pangyayari kaya hindi na isinailalim pa sa autopsy ang katawan ng kanilang kaanak.