--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagtamo ng second degree burn ang may-ari ng bahay na nasunog sa barangay Planas, Planas, Ramon, Isabela

Ang biktima ay si Corazon Ngaya-an, 65 anyos, may-ari ng bahay at residente ng Planas, Ramon, Isabela.

Siya ay dinala sa pagamutan matapos magtamo ng lapnos sa kamay dahil sa sunog.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay FO1 Rodel Trinidad ng BFP Ramon, Isabela, sinabi niya na 11:30 AM nang ipabatid sa kanila ang naganap na sunog sa barangay Planas at 12:20 PM nang naapula ang sunog.

--Ads--

Kasama ni Ngayaan sa kanyang bahay ang kanyang ina na 87 anyos

Ayon kay FO1 Trinidad, kasalukuyan pa ang kanilang pagsisiyasat kung saan nagmula ang sunog.

Inihayag ni Ginang Ngayaan na nakaupo siya sa kanilang salas nang makitang may-usok sa isang kuwarto ng kanilang bahay kayat kaagad niyang inilabas ang kanyang ina.

Ang nasunog na bahay ay gawa sa kongkreto at kahoy.