--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang senior citizen matapos mabangga ng motorsiklo San Juan, Delfin Albano, Isabela.

Ang biktima ay si Alfredo Padre, 69 anyos, may asawa at residente ng San Juan, Delfin Albano, Isabela habang ang suspek ay si Eric Laddaran, 27 anyos, may asawa, isang laborer at residente ng Brgy. San Andres, Delfin Albano.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Delfin Albano Police Station, binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ng suspek ang pambansang lansangan na bahagi ng barangay San Juan nang aksidente nitong masagasaan ang biktima na nagkalagkad sa lansangan.

Isinugod sa pagamutan ang naturang biktima subalit idineklarang dead on arrival habang dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsisiyasat.

--Ads--