--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi inakala ng anak senior citizen na namatay sa aksidente nang magulungan ng trailer na hila ng kuliglig ang kanyang ama sa Cauayan City.

Namatay si Ernesto Mariano, 66 anyos, magsasaka at residente ng Buena Suerte, Cauayan City matapos umanong mahulog sa kuliglig at magulungan ng trailer na hila ng kuliglig na may lamang mga sako.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa anak ng biktima na si Jose Mariano, 40 anyos, magsasaka at tsuper ng kuliglig na pababa na sila sa Sipat Street, District 1 nang mawalan ng preno ang kanilang kuliglig.

May sinusundan anya silang mabagal na saksakyang kung kayat umiwas si Jose sa kaliwang bahagi ng lansangan subalit sa kanyang pag-iwas ay nahulog ang kanyang ama na sakay ng kuliglig.

--Ads--

Inakala umano ni Jose na malayo ang kinahulugan ng kanyang ama subalit nagulungan na ang ulo ng matanda ng trailer na hila ng kanilang kuliglig.

Dahil dito ay agad umanong isinugod sa pagamutan ang wala nang malay na biktima subalit idineklara siyang dead on arrival ng kanyang attending physician.