--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang senior citizen matapos makipagsasakan sa isang lalaki na nag-abang sa kanya sa Villaluz, Benito Soliven, Isabela.

Ang biktima ay si Virgilio Caberto, 67 anyos, asawa at residente ng barangay Villa Cruz, Benito Soliven habang ang suspek ay nakilalang si Itaw Ortiz residente rin sa naturang barangay.

Sa paunang pagsisiyasat ng Benito Soliven Police Station, mayroon umano talagang masamang balak ang suspek sa biktima kaya niya ito inabangan sa lansangan na bahagi sa naturang barangay at binato ang biktima.

Nagalit umano ang biktima at nagkaroon ng mainit na diskusyon ng dalawa na na-uwi sa saksakan.

--Ads--

Agad dinala sa pagamutan ang dalawang sangkot saksakan subalit idineklarang dead on arrival si Caberto habang patuloy na ginagamot sa ospital si Ortiz.