--Ads--

CAUAYAN CITY- Magsisimula nang tumanggap ng tig-₱10,000 ang mga senior citizen sa lungsod ng Cauayan na edad 80, 85, 90, at 95, alinsunod sa pinalawak na Expanded Centenarians Act.

Ayon kay G. Edgardo Atienza, Head ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), 212 sa mahigit 16,000 senior citizens sa lungsod ang unang makatatanggap ng benepisyo.

Inaasahang magsisimula ang distribusyon sa Hulyo 21, matapos maantala ang orihinal na petsa ng pamamahagi.

Nilinaw ni Atienza na kailangang mag-apply mismo ang senior citizen kapag pasok na sila sa tamang edad.

--Ads--

Mahigpit din ang beripikasyon ng edad upang maiwasan ang maling pagbibigay ng benepisyo.

Dagdag pa niya, kung dati ay may pagdududa pa ang ilan sa programa, ngayon ay dumarami na ang nag-a-apply matapos mapatunayang totoo ang benepisyo.