--Ads--

Humina pa ang Severe Tropical Storm Opong habang kasalukuyang nasa Masbate. Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa Palanas, Masbate base sa mga datos mula sa mga Doppler Weather Radar sa Guiuan at Laoang.

Umaabot sa 110km/h ang lakas ng hangin malapit sa gitna, at may pagbugso na hanggang 150km/h. Gumagalaw ito papuntang west northwest sa bilis na 30km/h.

Nakasailalim naman sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Sorsogon, Masbate, Albay, ilang bahagi ng Camarines Sur, Quezon, Marinduque, Romblon, Mindoro, Batangas, at Laguna. Sa Visayas naman, kabilang ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, at Leyte.

Signal No. 2 naman sa mga karatig na lugar sa Luzon gaya ng Catanduanes, Camarines Norte, Metro Manila, at Bulacan. Sa Visayas, kabilang dito ang mga bahagi ng Cebu, Negros Occidental, Iloilo, at Antique.

--Ads--

Signal No. 1 ay nasa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao kabilang na ang Isabela(Alicia, San Mateo, Aurora, Ramon, Naguilian, Dinapigue, San Guillermo, Luna, City of Cauayan, Echague, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Reina Mercedes, San Agustin, San Manuel, Cabatuan, Gamu, San Isidro, Cordon, Jones, Burgos, San Mariano, Palanan), Quirino, Nueva Vizcaya, Bohol, Negros Oriental, at Surigao del Norte.

Inaasahang patuloy na gagalaw si Opong papuntang west northwest, dadaanan nito ang Masbate, Sibuyan Sea, southern CALABARZON, at northern MIMAROPA bago ito lumabas sa West Philippine Sea bukas ng madaling araw. Mananatili itong severe tropical storm habang tumatawid sa kapuluan, ngunit posibleng muling lumakas kapag nakalabas na ito sa West Philippine Sea.

Mahigpit na ipinapayo sa lahat na mag-ingat dahil maaaring makaranas ng malakas na ulan, hangin, at storm surge kahit sa mga lugar na hindi direktang tinamaan ng bagyo.