--Ads--

Ikinagalak ng isang Political Analyst ang ginawanag pag-alma ng publiko sa mga malalaswang biro o sexist remarks maging discriminatory remarks ng mga kandidato para sa kanilang Political stint.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco na bagamat hindi na bago ang ganiting mga ginawa ng mga Politiko tuwing halalan na gumagamit ng mga bastos na jokes ay bago aniya ang naging reaksyon ng taumbayan ukol dito.

Idinagdag pa niya na malaking problema o dapat ikaalarma ang pagsasapubliko ng kabastusan o lantarang pagpapakita o paggamit ng mga malisyosong biro na isang pahiwatig ng kawalan ng paggalang sa komunidad at sa kapwa.

Giit niya na indikasyon ito na ang isang indibiduwal ay mahina ang ulo o walang ethical compass at hindi aniya malayong ang ganitong uri ng kandidato ay maaaring maging kurap at hindi mapag kakatiwalaan bilang isang Public Official.

--Ads--

Dagdag pa niya na anumang dipensa na biro lamang ito ay hindi parin aniya ito naaangkop na gawin sa isang talumpati.

Matatandaan na inihayag na rin ng COMELEC na ang ganitong uri ng pagbibiro ng mga kandidato ay isang election offense alinsunod sa kautusang inilabas ng komisyon.

Hindi lamang aniya resolusyon maging sa Konstitusyon ay nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng diskriminasyon.

Para kay Atty. Yusingco nakakahiya ang paglitawan ng mga ganitong uri ng diskriminasyon subalit maituturing parin bilang magandang pangitain dahil nailalantad ang ganitong uri ng usapin.

Magandang pagkakataon din ito para ipakita sa publiko na ang ganitong kabastusan laban sa mga kababaihan o sa anumang sektor ng lipunan ay hindi tama na maaaring magpabago sa isipan ng mga botante.