CAUAYAN CITY – Magkakaroon ng Morning at Afternoon class sessions ang ilang malalaking paaralan sa Rehiyong Dos na may maraming bilang ng enrollees ngayong panuruang taon.
Ito ay kinabibilangan ng Cagayan National High School, Isabela National High School at Cauayan City National High School.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Benjamin Paragas, Regional Director ng Department of Education o DepEd Region 2, sinabi niya kinakailangang ma-accommodate lahat ng estudyante kaya’t kinakailangang magkaroon ng shifting of classes sa mga nabanggit na paaralan.
Malaking problema din aniya ang kakulangan ng mga upuan sa ilang mga paaralan kaya’t ang ilan ay gumamit na muna ng mga plastic chairs.
Dahil dito ay inatasan niya ang mga punong guro ng bawat paaralan sa Rehiyon na magsagawa ng inventory para matukoy kung aling paaralan ang may labis at kulang na upuan.
Kasalukuyan naman na umano ang delivey ng mga bagong upuan sa mga paaralan na lubhang nangangailangan.
Bagama’t nakararanas din ang rehiyon ng kakulangan sa mga guro ay natutugunan nama aniya ito ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng pagdedeploy ng mga local school board teachers sa mga paaralan.