--Ads--

Opisyal na kinilala ng Guinness World Record ang isang water buffalo na nagngangalang “Radha” bilang shortest living water buffalo.

Ang tatlong-taong-gulang na kalabaw mula sa Maharashtra ay may taas lamang na 2 feet and 8 inches.

Lubhang maliit ito kumpara sa karaniwang sukat ng kanilang species na umaabot ng 5 hanggang 6 feet ang taas.

Ayon sa may-ari na si Trimbak Borate, balak nilang isali ang Murrah hybrid na si Radha sa mga international exhibitions dahil sa kakaiba nitong liit na siguradong kagigiliwan ng mga tao

--Ads--