CAUAYAN CITY – Nagkakaroon na ng shutdown ng ilang linya ng telekomunikasyon sa Tripoli, Libya bunsod ng mga nagaganap na kaguluhan doon dahilan para ideklara ang state of emergency sa capital ng bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Levi Bermudes, nurse sa Benghazi, Libya at tubong Baguio City na bagamat malayo siya sa Tripoli kung saan nagaganap ang kaguluhan ay maymga dinadala sa kanyang pinagtatrabahuang ospital na nasusugatan mula sa war zone.
Sinabi pa ni Bermudez na idineklara ang state of emergency sa Tripoli, Libya dahil sa kabi-kabilang kaguluhan doon.
Matapos mapatalsik sa tungkulin ang kanilang dictador na si Muammar Gaddafi noong 2011 ay nagkaroon na ng tuluy-tuloy na kaguluhan.
Sinabi pa ni Bermudes na ang namumuno ngayon sa Libya ay ang militar.
Sa ngayon aniya ay pinapayuhan ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli ang mga OFW na iwasang magtungo sa mga lugar sa Libya na may mga kaguluhan.