CAUAYAN CITY – Hindi umano mababago ang pananaw ng Simbahang Katolika sa kabila ng pasya ng Korte Suprema na kilalanin na sa Pilipinas ang anumang deborsyong isinagawa sa ibang bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez ang kura paroko ng Our Lady of the Pillar Parish Church at siya ring Social Communications Director ng Diocese of Ilagan, sinabi niya na hindi nagbabago ang pananay ng simbahang katolika kaugnay sa diborsyo subalit iginagalang nila ang batas na nakasaad sa Family code of the Philippines.
Matatandaang naglabas ng pahayag ang Korte Suprema na kikilalanin na sa Pilipinas ang diborsyong naaprubahan sa ibang bansa.
Aniya sa kabila nito ay hindi pa rin sila pabor sa diborsiyo dahil sa ang taong nag-isang dibdib ay nanumpa sa harap ng Panginoon.
Ang mainam na gawin ngayon ay paghahanda ng dalawang indibidwal bago pumasok sa pag-aasawa upang sila ay talagang nahubog bago magpakasal.