CAUAYAN CITY- Nagpaalala ang pamunuan ng Our Lady of the Pillar Parish Church kaugnay sa tunay na diwa ng Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez ang Parish Priest ng Our Lady of the Pillar Parish Church, sinabi niya na bagamat nauunawaan niya na ang panahon ng Semana Santa ay pagkakataon ng ilang pamilya upang magtipon tipon subalit nakakalungkot lamang na makita ang ilang nagagawa pang mag-inuman tuwing Biyernes Santo.
Aniya ang Semanta Santa ay panahon dapat ng katahimikan at pagninilay-nilay mula Biyernes Santo hanggang Black Saturday subalit may iilang tila nagsasaya parin sa mga banal na araw na ito.
Hinihikayat ni Fr. Vener ang mga mananampalataya na makiisa sa Liturgical Activitist ng simbahan ngayong Holy Week, kabilang ang pangungumpisal.
Bukas Hwebes Santo ay gaganapin ang washing of the feet, Biyernes Santo ay ang pagsasabuhay sa paghihirap ni Hesus kasabay ng Stations of The Cross na susundan ng Sacrificial meal.
Ganap na alas-12 ng tanghali ay itatanghal ang Seven Last Words sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan.
Alas-3 ng hapon ay ang Veneration of the Cross na susundan ng prosisyon ng Santong Patay bago mabalot ng katahimikan ang simbahan.
Babalik ang mga aktibidad sa Easter Vigil bago ang Easter Sunday na susundan naman ng regular mass.