--Ads--

CAUAYAN CITY- Magkakasa ng pagpupulong ang buong hanay ng Police Regional Office 2 para sa mga paghahanda sa pagsisimula ng election Period sa araw Linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin , tagapagsalita ng Police Reginal Office 2, sinabi niya na magkakaron sila ng pagpupulong para sa simultaneous activation ng Regional Election Monitoring Center sa lahat ng mga himpilan ng Pulisya sa buong Lambak ng Cagayan.

Magsisilbi itong central command post kung saan doon I rereport ang lahat ng mga insidenteng maitatala ngayong panahon ng halalan.

Bukas ay gaganapin ang Regional Joint Security Control Center Coordination Conference kung saan tatalakayin ang mga lugar sa Cagayan Valley na naitala bilang Election Areas of Concern.

--Ads--

May Komiteng mangunguna sa mga Election Areas of Concern na pamumunuan ang PRO 2 Intelligence Division.

Sa mga nakalipas na hahalan ay mapalad ang Region 2 dahil sa walang lugar ang naitala at napabilang sa Red category gayundin na walang private armed group na nag ooperate sa Rehiyon.

Sa araw ng Linggo at activated na ang COMELEC checkpoints kaya iisa isahin ang mga panuntunan sa ipapatupad na panuntunan ng PNP kabilang ang kanilang protocols o standard operating procedures bago ilatag ang checkpoint.

Paalala ng PNP sa mga motorista na dadaan sa checkpoints na iwasang magdala ng anumang kontrabando , prohibited o ipinag babawal din ang pagdadala ng baril ng walang permit o pahintulot mula sa COMELEC kabilang ang replica ng baril at iba pang deadly weapon gaya ng patalim.