CAUAYAN CITY- Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resouces Office o MENRO San Mateo ang Simultaneous clean up drive bilang pakikiisa sa International Earth Day
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MENRO Officer Niel Galapon, sinabi niya na nagsagawa sila ng Simultaneous clean up drive sa Barangay Malasin bilang bahagi ng International Earth Day.
Aniya katuwang nila ang ilang opisyal ng Barangay at ilang opisyal ng Philrice, paraan ito ng MENRO para maimulat ang taumbayan sa kahalagahan ng International Earth Day.
Aniya kailangan maitaas ang kamalayan ng taumbayan sa mga contributory factors ng Cilmate Change.
Matapos ang paglilinis ay nagkatroon ng munting programa kung saan kanilang tinalakay ang tamang waste segregation.
Tuwing araw ng Sabado batay sa memorandum circular ng DILG ay nagsasagawa sila ng Clean up drive kung saan nagkakaroon ng dokumentasyon, Barangay ay may datos para sa monitoring kung gaano karami ang basurang nakokolekta.
Ayon kay MENRO Galapon na nakakatuwang makita na unti-unti ay nagkakaraoon ng pagbabago at pagbaba ng basura sa naturang Bayan.








