--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 2 ang mga non-drug items na nakumpiska sa isang shabu laboratory sa lungsod ng Cauayan.

Matatandaan na noong ika-23 ng Oktubre taong 2016 nang madiskubre ng mga awtoridad ang naturang Drug Laboratory kung saan nasawi noon sa isinagawang raid ang dalawang Chinese National na sina Kim Punzalan Uy na kilala sa alyas na Atong Uy at Alias Lo Chi matapos manlaban.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Kenneth Sangueza, Chief of Chemist ng PDEA R02,  sinabi niya na ang mga kemikal na nakita mula sa laboratory ay dadalhin sa valenzuela City para ipasakamay sa PDEA National Headquarters para sa tamang disposisyon.

Ang mga droga namang una na umanong nakumpiska  ay dinala sa National Headquarters ng PDEA at sinira ang mga ito noong September 12, 2024, at hinihintay na lamang ang Certificate of Destruction mula sa headquarters.

--Ads--

Aabot naman sa 1,600 klg na solid kemikals ang nakumpiska sa lugar, 7,700 liters na liquid chemicals, at 158 na piraso ng mga equipments.

Kinailangan naman nilang magtawag ng mga tauhan sa junkshop para sirain ang mga naglalakihang kagamitan na makikita sa nasabing laboratory.