Bumaba ang singil sa kuryente ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1-Cauayan Branch ngayong buwan ng Pebrero.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Branch Supervisor Laarni San Antonio, sinabi niya na ang pagbaba sa singil ng kuryente ay bahagi ng one-time refund o bill reduction na nakolekta mula sa mga excess charges ng tanggapan.
Ngayong buwan, bumaba ng P2.4167 ang low voltage o residential consumer habang P2.4197 naman sa mga commercial consumer at P3.3015 sa mga high voltage consumer.
Aniya bagamat bumaba, pinaalala niya na epektibo lamang ito ngayong buwan ng Pebrero at babalik sa normal ang singil sa kuryente sa susunod na buwan.
Pinaalalahanan naman niya ang mga consumer na huwag pabayaan ang pagbabayad ng electric bill upang makaiwas sa problema.