CAUAYAN CITY- May paalala ang Municipal Environment and Natural Resources Office at LGU San Mariano sa publiko na posibelng mamasyal sa Sitio Agal, Barangay Casala, San Mariano, Isabela.
Batay sa abiso ipinagbabawal ang pamamasyal sa lugar dahil sa pagnanais ng LGU at MENRO na mapangalagaan ang lugar.
Ayon kay MENRO Darwin Bulusan may naitalaga ng Checkpoint sa Barangay San Jose kung saan babawalan ang mga turista na mag tungo sa Sitio Agal.
Nakatakda nilang balangkasin ang isang resolusyon kaugnay dito.
Ang hakbang na ito ay bunga ng pagiging iresponsable ng mga nag tutungo sa lugar na walang habas na nagtatapon ng basura na ikinakasira ng tanawin, ito ay nasa paanan lamang ng Sierra Madre kaya dinadayo ng mga turista.
Mawawalan din aniya ng saysay ang ginawang tree planting activity sa lugar kung hahayaan ang mga turistang magkalat lamang sa lugar at sirain ang mga ipinunlang mga punong kahoy.