--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaani ng papuri ang  isang sangguniang kabataan chairman na gumawa ng sariling pamamaraan para makatulong sa mga nasa frontline kaugnay ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ito ay sa  pamamagitan ng paggawa ng mga  tinapay na ipinapamahagi  sa mga frontliners na nakatalaga sa mga checkpoints sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Jayson Purificacion, SK Chairman ng Labinab, Cauayan City,  sinabi niya na dahil natigil ang operasyon ng kanilang bakery sa isang mall sa lunsod ay naisipan niyang ilunsad ang kanilang proyekto para ipakita ang suporta at malasakit sa mga nakatalaga sa mga COVID-19 checkpoints.

Aniya bilang isang SK chairman ay napag-isipan niya na sa halip na maghintay ng tulong mula sa pamahalaan ay siya na mismo ang gagawa ng paraan para makatulong sa pamahalaan kaugnay ng kinakaharap na krisis ng bansa.

--Ads--

Katuwang niya sa paggawa ng mga tinapay ang kanilang mga kasama sa kanilang bakery.

Ang tinig ni SK Chairman Jayson Purificacion

Aniya, marami na ring  nagpaabot ng mga mensahe at kagustuhang mga donate  ng  tubig, kape, itlog at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Hinikayat  niya ang mga kapwa kabataan at maykaya sa buhay na kumilos at tumulong sa mga frontliners na exposed sa COVID-19.

Binigyang diin ni Mr. Purificacion na ang tunay na kabataan ay dapat gumawa at hindi puro ngawa.