CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang SK Chairman matapos mabangga ng Isang van habang papatawid ng kalsada sa San Mateo, Isabela.
Ang biktima ay si Jonel Ian Senuto, 22-anyos at SK Chairman ng Marasat Pequeño habang ang tsuper naman ng Van ay kinilalang si Jerry Viskarra.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jerry Viskarra, sinabi niya na bigla na lamang umanong sumulpot ang ang biktima na papatawid ng daan.
Binusihan pa umano niya ito ngunit nahagip pa rin niya ang biktima dahilan upang tumilapon ito sa kanal na nasa gilid ng daan.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa lungsod ng Santiago.
Ayon kay Vizcara, wala siya sa impluwesniya ng nakalalasing na inumin nang mangyari ang aksidente ngunit sadyang hindi lang umano niya napansin ang biktima.