--Ads--

Sumakabilang-buhay na ang tinaguriang “Sleeping Prince” ng Saudi Arabia matapos ang dalawang dekadang pagkaka-coma.

Sa edad na 36, pumanaw si Prince Al Waleed bin Khaled bin Talal Al Saud, panganay na anak na lalaki ni Prince Khaled bin Talal Al Saud.

Nasangkot ang prinsipe sa car accident sa London sa edad na 15 na naging dahilan ng kanyang pagka-coma.

Nag-aaral noon si Prince Al Waleed bilang military cadet sa London.

--Ads--

Nagkaroon siya ng matinding pinsala sa utak at internal bleeding dahil sa aksidente.

Sa kabila ng ibinigay sa kanyang atensiyong medikal, hindi na siya muling nagkamalay.

Naospital siya sa King Abdulaziz Medical City at inilagay sa ventilator hanggang sa kanyang pagpanaw.