--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot sa Php 700,000.00 ang natangay ng mga holdaper isang small scale miner na binaril at pinatay sa barangay Rizaluna, Cordon,Isabela.

Ang biktima ay si Albert Panhon, 41 anyos, may-asawa at residente Dallao, Cordon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Police Lt. Allan Battara, OIC Chief of Police ng Cordon Police Station ang biktima ay sakay ng motorsiklo at binabagtas ang barangay road nang harangin ng riding in tandem criminal.

Nagdeklara anya ng hold-up ang dalawang suspek at kinuha sa biktima ang kanyang bag na naglalaman ng daan-daang libong pisong cash..

--Ads--

Bago tumakas ang mga suspek ay binaril sa mukha ang biktima na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival

Tinig ni PLt. Allan Battara of PNP Cordon

Sinabi pa ni Police Lt. Battara na si Panhon ay isang kasapi ng small scale mining at ang naipong ginto ay ibinenta sa Lunsod ng Santiago ngunit natunugan ng mga suspek ang kanyang napagbentahan.