Opisyal nang ipinagbawal sa Australia ang paggamit ng social media sa mga batang wala pang 16 taong gulang simula ngayong Miyekules, Disyembre 10.
Ayon sa Australian Government, ang hakbang na ito ay upang protektahan ang mga 15-anyos pababa mula sa “predatory algorithms” na naglalaman ng bullying, sekswal na materyal, at karahasan.
Ang mga social media company na bigong tanggalin ang mga batang Australian user sa kanilang serbisyo ay maaari umanong pagmultahin ng hanggang USD33 milyon o katumbas ng P1.9 bilyon.
Kasama sa ban ang Facebook, Instagram, YouTube, TikTok, Snapchat, Reddit, at ang mga streaming app tulad ng Kick at Twitch, at mga message boards gaya ng Threads at X.
Sa ngayon, ang mga sikat na app at website tulad ng Roblox, Pinterest, at WhatsApp ay hindi pa kasama sa ban, ngunit binigyang-diin ng pamahalaan na patuloy pa ring nirerepaso ang listahan.





