Social media, gagamitin kontra teenage pregnancy sa Isabela
CAUAYAN CITY– Nais makipag-sabayan ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) sa kung ano ang napapanahong paraan ng pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paggamit ng social media.
Sa pagsasaliksik ng pamahalaang panlalawigan, sa 1.6 million Isabelenio ay nasa mahigit 900,000 ang mayroong social media account na facebook.
Sasamantalahin anya ito ng pamahalaan upang maipaabot sa mga kabataan ang mga impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng infomercials.
Naniniwala ang pamahalaang panlalawigan na ngayong panahon ay nasa social media na ang epektibong pamamaraan makipag-ugnayan sa mga mamamayan sa mabilisang pamamaraan.
Dito sa Isabela ang pangunahing tinututukan ngayon ay ang teenage pregnancy at magandang gamitin ang mga infomercials dahil karamihang kabataan ay aktibo sa social media gamit ang facebook.
Gamit ang infomercials ay ma-iangat ang uri ng pag-analisa ng mga kabataan sa epekto ng maagang pagbubuntis.
Magugunitang noong nakaraang taon ay isinagawa ang anti-rabies campaign ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Social media kung saan umabot sa 72,000 likes sa loob lamang ng 2 linggo .
Nangangahuhulugan na marami ang nakapanood at nabigyan ng impormasyon at naging aktibo ang mga isabelenio sa nasabing pamamaraan.




