--Ads--

Solar water pump, hiniling ng LGU Cauayan City sa DA region 2

CAUAYAN CITY – Sinangayunan ng mga kasapi ng Sangguniang Panlunsod ng Cauayan City ang resolusyon na humihiling sa Department of Agriculture region 2 na pagkalooban ang DA Cauayan City ng solar water pump.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni kay SP member Ceasar Dy, ang Sectoral Representatives for Agricultural and Industrial Worker, malaking tulong ang solar water pump para sa mga magsasaka at mga mamamayan para makatipid sa pagkonsumo ng kuryente at makatulong sa pangangalaga sa kalikasan kung saan ang enehiya mula sa sikat ng araw ang nagpapagana rito.

Ang nasabing resolusyon ay nakatakdang isumite sa DA region 2 bago ito igawad sa LGU-Cauayan.

--Ads--

Umaasa pa si SP member Dy na mapagkalooban ang limang rehiyon ng Cauayan City.